Basketball

Advertisements

Estudyante

Bakasyon ay tapos na para sa iba

Dahil simula na naman ng kanilang pakikibaka sa eskwela

Gigising ng sobrang aga para makapaghanda

Maliligo ng tubig na kay lamig upang magising ang diwa

Aalis nang kay aga upang hindi mahuli

Sasakay ng jeep o tricycle ng sila ay madali

Di na alintala kung ano ang ayos ng sarili

Dahil ang mahalaga, ang paggiging maaga ay mapanatili

Mga kwento mula sa katabi ay di mawawala

Dahil saya ng isang estudyante ay dun nagmumula

Hinding dindi mawawala ang barkada

Isang dahilan kung bakit sinisipag pumasok ang isang bata

Bukod sa baon na kanilang nakukuha

Madaming dahilan ang pagpasok nila sa eskwela

Dahil bawat bata ay may sariling pangarap na nais nilang makuha

Pangarap na sa tingin ng iba ay isang tala

Gaano man katayog ang pangarap ng iba

Asahan mong doble ang pagpupursige nila

Dahil alam nilang ito ang susi sa kanilang kinabukasang kay ganda

Kaya naman ating suportahan bawat estudyanteng nagsisikap makapasok sa eskwela.

One Lovely Blog Award

First of all, gusto ko pong pasalamatan si ate aysabaw dahil dinamay niya ako sa sumpa. Hehehe baka kasi magalit pa kapag di ko ginawa ito😂 Basta ateng aysabaw salamat pa din hahaha.

Rules:

•Thank the person who nominated you and link their blog in your post.

•You must include the rules and the blog award image in your post.

•You must add 7 facts about yourself.

•Nominate 15 people to this award.
“Wala pa po akong kilala masyado kaya di na po ako magnonominate haha”

7 Facts About Me

1. Sara May Joy Valdepeña Rondero. Pantatlong tao ang pangalan na ibinigay sa akin ng mommy ko haha. Siguro na predict nila agad na mahihirapan silang makabuo ulit kaya dinamihan na nila yung pangalan ko mwahaha

2. Senior High Student. Grade 11 pa lang po ako. So next school year Grade 12 na akooo hehehe alangan namang Grade 11 ulit di ba? Syempre marunong naman akong magbida bida sa classroom para ipasa ng teacher hehehe joke lang po.

3. Rank 1. Yan! Tama po yang nabasa niyo. Rank 1 po ako ngayong SHS kasi medyo ginalingan ko sa pagbibida bida at pagsipsip. Pero joke lang po ulit. Syempre bunga ng prayers yan at sipag na din (pwee)

4. Basketball player. Tama po ulit yung nabasa niyo. Varsity po ako haha. 2 years na since kakastart lang ng team namin last school year. Pero syempre straight po ako, nakahiligan ko lang talagang magbasketball kasi kapitbahay namin ang court.

5. Iyakin. Oo, iyakin po ako. Sobbrraaa. Example nang paggiging iyakin ko ay nung hindi ako sinamahan nung mga kaibigan ko sa canteen hahaha. Nagtira pa naman ako ng baon nun, tapos sabi nila busy daw sila. Tatlo sila, tapos lahat busy. Ewan ko kung bakit parang sobrang nagtampo ako nun huhu. Tapos noong lumapit yung isa kong kaibigan bigla na lang akong umiyak. Hahahaha babaw di ba? Lalo na kapag nanunuod ako ng movies na nakakaiyak, sinigawan lang yung bida naiyak na ako agad. Yan medyo na pahaba ang #5 hahahaha

6. Periodical Exam. To be honest po, di talaga ako writer o blogger kinailangan ko lang talagang gumawa ng account dito sa wordpress at magpost ng kung ano-ano para magkagrades sa E-Tech. Pero syempre natuwa pa din ako noong nalaman ko na ito ang exam namin. Kasi pinangarap ko din namang maging blogger at maging author ng kung ano-anong stories hahaha. Yung bestfriend ko kasi, sya talaga yung mahilig magsulat medyo gaya gaya kasi ako kaya yun… nakisulat na din ako hahaha

7. Christian. Last but not the least, at ang bagay na pinakaproud ako ay namulat ako sa Christian family. Tipong 6 years old pa lang ako nagtatambourine na ako sa church namin. Tuwing anniversary palagi din akong kasali sa special numbers. Pero ang pinakahighlight nang paggiging Christian ko ay madali along maguilty sa mga bagay bagay hahaha. Tapos yung mommy ko leader sa church namin. Chairwoman pa ng fasting kaya yun! Laging may nakasupport sa akin, kapag sasama ako sa youth camps.

PS. Pasensya na po sa aking kacheapan 😂😂 Wag niyo na po ako ulit idadamay hehehe. Lalo kana ateng aysabaw tahimik naman po ako tapos nilista mo po ako sa noisy. Grabe ka po huhuhuhu

I am not alone…

“I am not alone

I am not alone

You will go before me

You will never leave me”

“You amaze me

Redeem me

You call me as your own

You amaze me

Redeem me

You call me as your own”

-I am not alone (Kari Jobe)

Feeling singer si ate mo sa pagta-type ng lyrics dahil may pagkanta pa! Anyways, gawan natin ito ng tula ^_^

Sa loob ng isang silid na kay dilim

Nagkukubli ang isang babaeng puno ng lihim

Mga bagay na gumugulo sa kanyang isipan

Hindi niya malaman kung paano sosolusyonan

Hinayaan niyang iiyak lahat nang nadarama

Hanggang sa hindi na makapatak ang luha niya

Isang tinig ang kaniyang narinig

Tinig na bihira lamang ang nakakadinig

Ayon sa tinig, Siya naman daw ay handang makinig

Nais Niyang laman ng isipan ay aking isatinig

Binuka ang aking bibig

At sa Kanya’y aking kinwento ang lahat nang bumabagabag sa akin

Sa bawat tinig na lumalabas mula sa akin

Kasabay nito ang bawat hikbi na sa akin din ay nagmumula

Bawat sakit na nadarama sa Kanya’y ibinahagi

Bawat kabigatan ng loob, hiniling sa Kanya na ito’y alisin sa akin

Nang matapos ang bawat kwentong ibinahagi ko sa Kanya

Isang mainit at puno ng pagmamahal na yakap ang aking natanggap

Ipinadama Niya sa akin na ako’y hindi nag-iisa

Ipinadama Niya na Siya’y aking kasakasama

Dahil sa Kanya hindi ako natatakot mag-isa

Dahil kailanman di Niya ako iniwang mag-isa.

Puso

Sa tuwing ikaw ay masaya, pakinggan mo ang sigaw ng ‘yong puso

Sa tuwing ika’y malungkot, pakinggan mo ang bawat hikbi nito

Sa bawat masasayang bagay sa buhay mo

Ito’y natatalos ng puso mo

Sa bawat lungkot na nadarama mo

Ang puso mo’y unti-unti ding nanlulumo

Alam nito kung kailan ka masaya

Alam nito kung kailan ka nang hihina

Alam nito kung sino ang dahilan ng ‘yong pagkakakaba

Dahil ang puso mo ang unang nakakadama

Puso din ang dahilan ng ating pagluha

Ang alagaan ito ang iyong tanging magagawa

Upang ito’y malayo sa pagkasira

Iyong tandaan, puso’y tapat sa ‘yong nadarama

Kaya dito mo dapat itago ang lahat ng mahahalagang alaala

Dahil ang isip ay nakakalimot ngunit ang puso’y palaging nakakakilala

Sakit man yan at hirap

Ito’y patuloy niyang tinatanggap

Dahil puso natin ay di mapagpanggap

Nalilito man ito kung minsan

Lagi mo pa ding dapat tandaan

Na ang puso natin ang nakakaalam ng katotohanan.

Bestfriend

IMG_20180309_185638.jpg

Dahil sa munting gusot

Samahan natin ay nagkalumot

Dahil sa mga bagay na nilihim nang kay tagal

Pagkakaibigan natin ngayon ay may tapal

Akala mo di kita tanggap

Tanggap kita at di ako nagpapanggap

Wala akong inasahan mula sayo

Kasi sapat na sa akin na tayo’y totoo

Pero yun din ang hiling ko mula sayo, na sana’y nagsasabi ka ng totoo

Pero dahil sa ating munting di pagkakaunawaan

Luha ko sa pagpatak ay nag-uunahan

Kaya pala kanina naaalala kita

Kaya pala kanina pinagmamalaki pa kita

Kasi ngayong gabi pala matatapos ang lahat

Sa apat na taon nating pagkakaibigan

Nauwi lang sa sumbatan at bangayan

Pasensya ka na kung ang akala mo’y hinusgahan kita

Pasensya ka na kung ang akala mo sa desisyon mo’y di kita sinuportahan

Nagkakamali ka kaibigan

Nagulat lamang ako dahil sa mga sinabi mong di ko inaasahan

Pero anong dahilan para di kita tanggapin?

Kung yung iba nga pinapayuhan ko at sinusuportahan?

Ikaw pa kayang aking minamahal na kaibigan

Pasensya ka na kung natapos ang pagkakaibigan natin sa patawadan

Ayos na din ito, atleast sa huli alam mo pa ding ikaw ay aking suportado

Para sa bestfriend ko, tanggap kita sino ka man

Di naman sa kasarian nasusukat ang pagkakaibigan

Pero dahil mukhang malabo na ang ating relasyong pinahalagahan

Mag-intay lang tayo ng tamang oras para ito’y muling malinawan

Mag-ingat ka diyan sa iyong kinaroroonan

Ito ang huli kong hiling na sana’y iyong baonin

Mahal kong kaibigan,

Ano man ang sabihin ng iba, ito’y wag mong pakikinggan

Ang mahalaga ikaw ay masaya kasama ang iyong minamahal.

Dedicated to: Patrick the Starfish (Prend)

Kinasanayan

Kinasanayan

Tigilan na natin ang drama ng buhay ko. Kasi may nagawa akong kwento na hindi ko alam kung konektado ba sa puso ko. Pagbigyan niyo na ako. Nais ko lang namang ipost ito, kesa mapanis sa drafts ko.

Na sanay akong may kasabay ako sa tuwing pumapasok, may naghahatid sa labas ng silid-aralan, may kasabay sa tuwing kumakain ng tanghalian, at may nag-iintay sa tuwing uwian. Na sanay akong kasama ka tuwing may lakad ang barkada, may gagawing proyekto sa bahay ng ka-eskwela at tuwing magkwekwento ako ng drama. Na sanay akong may yumayakap sa akin sa tuwing nalulungkot ako, sa tuwing sobrang saya ko at sa tuwing naghahanap ka nang lambing ko. Na sanay akong sinusuyo mo ako kapag nag-aaway tayo, nagkakatampuhan at kapag mayroon tayong hindi pagkakaunawaan. Na sanay akong bumibisita ka sa aming tahanan sa tuwing wala tayong pasok, sa tuwing may sakit ako, at sa tuwing ang dahilan mo ay ‘namimiss’ mo ako. Na sanay akong nakikita ang masayang ngiti mo, naririnig ang napakaganda mong tawa at nahahawakan ang mga kamay mong sakto sa kamay ko.

Na sanay ako sa presensya mo kaya ngayon hindi ko alam ang gagawin ko dahil sa katotohanang wala ka na sa tabi ko. Bakit kasi sinanay mo pa ako sa presensya mo? Bakit kasi sayo ko pa naranasan ang maging kompleto? Ano pa nga ba ang magagawa ko? Wala na, bukod sa tanggapin na iniwan mo na ako at hindi ka na sa akin pa.